Mga sagot sa mga madalas na katanungan tungkol sa Driver Orientation Portal
Ito ay isang online platform na inihanda para sa mga driver na rehistrado at buma-byahe sa MICT na nagkaroon ng violation o kasalukuyang naka-ban sa terminal. Dito, maaari nilang mapanood ang Safety Orientation video at basahin ang orientation materials na naglalaman ng mga importanteng impormasyon ukol sa mga patakaran at proseso ng terminal.
Pagkatapos ay maaari na rin nilang sagutan ang pagsusulit sa Driver Orientation Portal rin mismo upang makakuha ng Driver Orientation Certificate na magpapatunay na nakumpleto nila ang Safety Orientation na kinakailangan para matanggal ang kanyang ban.
Ang mga driver na expired ang rehistro sa MICT, blacklisted, deactivated, o hindi naka-ban ay hindi pinahihintulutang mag rehistro o gumamit ng portal.
Ang mga driver na naka rehistro sa MICT ay awtomatikong mayroong account sa Driver Orientation Portal. Upang i-activate ang inyong account, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Sa inyong web browser, pumunta sa https://dop.mict.com.ph/DriverOrientationPortal/Home/Index
- Mula sa login page, i-click ang SIGN UP
- Ilagay ang iyong driver’s license number, pagkatapos ay i-click ang VALIDATE
Ang error na ito ay nangangahulugan na ang driver ay hindi pa nakarehistro sa MICT. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para makapag-rehistro ng driver sa MICT.
- Para sa mga driver/trucker na kabilang sa CTAP, HATAW, o ang mga hindi kabilang sa anumang trucking organization, i-click ang link na ito para basahin ang MICT Pass Guidelines at makapagpatuloy sa pagrerehistro.
- Para sa mga driver/trucker na kabilang sa ACTOO, makipag-ugnayan nang direkta sa inyong trucking organization.
Para sa anumang katanungan tungkol sa inyong pagpaparehistro, maaaring makipagugnayan sa MICT Pass Customer Service 0800H hanggang 1700H, Lunes hanggang Byernes, liban sa mga holiday.
- Email: mictpass-helpdesk@logisticsphilippines.com
- Tawag: (+63) 919 0560700 o (02) 8424-5320
- Chat: Viber (+63) 919 0743826
TANDAAN:
Kung kumpirmado na ang driver ay rehistrado sa MICT ngunit nakatanggap ng error message na nabanggit sa itaas, mangyaring magpadala ng email sa customercare@ictsi.com na naglalaman ng screenshot ng error, kumpletong pangalan ng driver, at kumpletong license number nito para sa pagsusuri at beripikasyon.
Sundin ang mga sumusunod na hakbang para palitan ang password ng inyong account sa Driver Orientation Portal
- I-click ang "Kung nalimutan mo ang iyong password, i-click lamang ito" sa login page.
- Ilagay ang driver’s license number.
- I-input ang tamang OTP number na ipinadala sa iyong rehistradong mobile number.
- Ilagay ang iyong bagong password.
- Gamitin ang bagong password upang makapag-log in.
TANDAAN: Kung hindi na gumagana ang mobile number na nakarehistro sa inyong account, kailangang sagutin ng tama ang Security Question upang makapagpatuloy. Kung hindi naman matandaan ang sagot sa Security Question, aming inirerekomendang i-deactivate na ang iyong account. Maaaring gumawa ng bagong account gamit ang parehas na license number makalipas ang tatlong araw mula sa araw ng iyong pagde-deactivate.
May tatlong habang sa pag-gamit ng Driver Orientation Portal:
- Orientation video: Kinakailangang panoorin at tapusin ang kubuuan ng orientation video upang maunawaan ang mga mahahalagang patnubay at pamamaraan ng terminal.
- Orientation materials: Matapos panoorin ang video, siguraduhing basahin ang lahat ng mga materyales upang lalong mapalalim ang kanilang kaalaman.
- Examination: Matapos kumpletuhin ang dalawang hakbang sa itaas ay maaari nang sagutan ang exam. Kailangang makakuha ng pasadong marka upang makumpleto ang Driver Orientation at makapag-print o download ng certificate.
PAALALA: Siguraduhing panoorin ang kabuuan ng ORIENTATION VIDEO at basahin ang mga ORIENTATION MATERIALS bago simulan ang EXAM. Kung bumagsak sa exam, maaari muling kunin ang exam at i-download ang certification matapos ito ipasa.
Ang mga driver ay kailangang makakuha ng pasadong marka na hindi bababa sa walong (8) puntos. Matapos pumasa sa nasabing exam, maaari ng i-download ang kopya ng Driver Orientation Certificate at automatic ng matatanggal ang inyong ban sa aming system.
PAALALA:
Ang ban ay matatanggal lamang tuwing ika-12 ng madaling araw. Halimbawa, kung ang driver ay naka-ban ng limang araw simula June 16, 2025, ang ban ay matatanggal lamang sa June 21, 2025, sa ganap na ika-12 ng madaling araw.
Siguraduhing ang driver ay makapag-safety orientation sa loob ng mga araw na sila ay suspindido para sa mas mabilis na proseso.
HINDI NA. Ang mga driver na napatawan ng ban mula sa terminal ay kinakailangang sumailalim sa Safety Orientation gamit ang Driver Orientation Portal at kumpletuhin muna ang naitakdang bilang ng araw ng pagka-suspindi upang matanggal ang ban.
Kung ang driver naman ay permanenteng naka-ban sa pagpasok ng terminal, ito ay hindi na pinapayagang gumamit ng Driver Orientation Portal o magtungo sa HSE Office.